FANDOM


Si Haiku ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Siya ay unang nagpakita sa episode na "Dance, Dance Resolution", kung saan nais ni Lucy na magkaroon ng date si Lincoln, upang dumalo sa Sadie Hawkins Dance. Nang hindi inaasahan na dumating si Ronnie Anne, sinabihan ni Lincoln sa kanyang mga kaibigan na i-cover siya, habang sinubukan niyang makatakas. Si Clyde ay nakipag-hang out kay Haiku, na ipinahayag sa kanya na ang kanyang puso ay para sa ibang tao. Si Haiku ay umamin din na ang kanyang puso ay para sa ibang tao: isang bampira na naging 200 kamakailan lamang. Nang malaman ni Haiku ang tungkol sa plano ni Lincoln, inamin niya na may mas mabuting oras siya na mag-hang out kay Clyde, habang nag-bonding sila sa kanilang ibinahagi na sakit sa pagmamahal sa isang tao na hindi maaaring mahalin silang pabalik. Siya ay huling nakita na nag-waltzing kasama si Clyde at pareho silang tumingin sa mga larawan ng kani-kanilang mga crush.

Nagbalik siya sa "Out of the Picture" bilang miyembro ng Morticians Club, kasama si Lucy.

Sa "Fandom Pains", si Haiku, kasama ang iba pang mga miyembro ng Morticians Club, ay nagalit dahil sa biglaang pagpakita ni Tristan sa Vampires of Melancholia, at nangolekta ng mga pirma upang alisin siya mula sa palabas.

Sa "Friendzy", si Haiku ay isa sa maraming kaibigan na inimbita ni Lucy.

Personalidad

Si Haiku ay kadalasang kalmado na babae, na nabibighani ng mga tula at gothic literature. Tulad ng kanyang kaibigan na si Lucy, si Haiku ay isang naghahangad na makata, at may sariling talaarawan na magsulat ng mga tula. Nang sabihin sa kanya ni Lincoln ang isang simpleng tula tungkol kay Jack at Jill, binigyang-kahulugan niya ito bilang mas malalim sa kaisipan.

Siya ay nagsasalita sa isang kalmado, hindi emosyonal na tono, at bihirang ngumiti. Tulad kay Lucy, mayroon siyang pagmamahal sa kathang-isip na bampira, at siya ay may suot na laket ng kanyang pag-ibig. Nang lahat ng mga estudyante ay sumasayaw, si Haiku ay mast guto ang kanyang talaarawan kaysa pagsasayaw, maliban sa isang slow waltzing kasama si Clyde.

Ayon kay Clyde, hindi gusto ni Haiky ang mga pusa, ang sikat ng araw, at mga taong sobrang ngumiti. Hindi rin niya gusto ang panlilinlang.

Hitsura

Si Haiku ay may manipis na anyo, na may balat na maputla gaya ni Lucy. Siya ay may mahabang itim na buhok, na may isang mapanimdim na kintab, at may mapanimdim na lilang eye shadow. Nagsusuot siya ng mahabang madilim na lilang damit, itim na sinturon na may puting bungo, at madilim na lilang guwantes.

Mga pagpakita

Season 1

Season 2

Season 3

Tribya

  • Ang kanyang mga paa ay hindi ipinakita.
  • Ang kanyang kasuotan ay mukhang katulad kay Elvira.
  • Siya ang una sa mga date ni Lincoln na nagpakita nang higit sa isang beses.


T - U - B Mga Karakter