FANDOM


Si Polly Pain ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Personalidad

Tulad ng kanyang kaibigan na si Lynn, si Polly ay isang masigasig na manlalaro sa isport. Ang kanyang paboritong isport ay roller derby. Gusto rin niyang gawin ang kanyang mga derby trick sa ibang tao, at iginagalang ang mga nakatiis dito. Siya ay isang tomboy, ngunit hindi ganap, dahil siya ay nagsusuot ng mga kulay-rosas na damit. Nagalit siya kay Lincoln dahil sa kanyang kasinungalingan, ngunit hindi nakadama ng masama, dahil natagpuan niya si Rusty bilang isang mas mahusay na kasama.

Hitsura

Si Polly ay isang matangkad na batang babae, na nagsuot ng kanyang uniporme pang roller derby, na may isang dilaw na damit pantaas, na may isang kulay-lilang "P" dito, lilang maikling maong, kulay-rosas na roller blades, pulseras, at isang kulay-rosas na helmet na may mga bituin sa gilid. Ang kanyang buhok ay moreno, na may pigtails, at siya ay may isang malaking baba.

Tribya

  • Ang hairstyle ni Polly ay mukhang katulad ng kay Lana.


T - U - B Mga Karakter