FANDOM


Si Rita Loud ay isang pangalawang karakter ng The Loud House.

Personalidad

Si Rita ay nagmamalasakit sa kanyang mga anak, ngunit hindi natatakot na parusahan sila kung sinobra nila. Siya at ang kanyang asawa ay kumikilos na romantikong patungo sa isa't isa (isang halimbawa nito ay nang nagtampisaw sila sa pool ng hotel na hubad), bagaman mukhang higit siyang mahinahon kaysa sa kanya. Isang halimbawa nito ay nang siya ay nag-aalala kay Lincoln sa paglalaro ng video games ng masyado at sinabi sa kanya na mag-ehersisyo sa labas tulad ng ipinapakita sa "The Loudest Yard".

Nangarap siya na maging isang nobelista ngunit siya ay kulang sa pagkamalikhain, habang isinulat niya ang isang kwento tungkol sa isang inip na assistant ng dentista na nakikipag-usap sa kanyang isda bago binigyang inspirasyon siya ni Lincoln na magsulat tungkol sa isang thrill seeker na may puting buhok.


T - U - B Mga Karakter