FANDOM


Si Zach Gurdle[1] ay isang pangalawang karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Isa siya sa mga kaibigan at kaklase ni Lincoln.

Siya ay unang nagpakita sa "Overnight Success", bilang isa sa mga kaibigan na inimbitahan ni Lincoln sa kanyang sleepover, ngunit dahil sa mga kapatid ni Lincoln, tumanggi siyang pumasok sa kanyang bahay.

Nagpakita muli siya sa "Lincoln Loud: Girl Guru", kung saan siya ay isa sa maraming batang lalaki na naghahanap ng payo tungkol sa mga batang babae mula kay Lincoln. Naniniwala si Lincoln na siya ay matututo ng basic chemistry upang magustuhan siya ni Kat, ngunit hindi nasisiyahan nito. Mamaya, nang hindi sinadya niyang sunogin ang buhok ni Kat sa pagsisikap niyang mapabilib siya sa kanyang husay sa chemistry. Pagkatapos ay sinabi niya si Lincoln ang nagsabi sa kanya.

Sa "Dance, Dance Resolution", si Zach, kasama sina Liam at Rusty, ay nakitang hindi matagumpay na makakuha ng mga date para sa sayaw. Mamaya sa sayaw, sina Lincoln at Clyde ay humingi ng tulong sa tatlo, bilang pagkagambala sa apat na date ni Lincoln, habang si Lincoln ay tumatago mula kay Ronnie Anne. Sa dulo, si Zach ay nagka-magandang oras kasama si Giggles.

Sa "Study Muffin", makikita siya sa pagbibigay ng regalo kay Ms. DiMartino.

Sa "Making the Grade", siya, kasama sina Rusty at Liam, ay tumangging pahintulutan si Lincoln na umupo sa kanilang tanghalian, dahil sa katalinuhan ni Lisa.

Sa "Back Out There", siya, sina Clyde, Liam, at Rusty ay nakapansin kay Lincoln na nakatayo sa labas ng dating bahay ni Ronnie Anne, at sa tingin nila na siya ay may sintomas sa post breakup blues. Tinulungan nila siya na subukan upang mag-move on na siya sa pamamagitan ng paggawa ng ilang mga aktibidad na magkasama, at hanapin siya ng ilang mga bagong batang babae.

Sa "Yes Man", dumalo siya sa konsyerto ng SMOOCH kasama sina Lincoln, Clyde, at Liam.

Sa "A Fridge Too Far", sinabi niya kay Liam na nakakuha siya ng mais para sa sagot sa test.

Sa "Fool Me Twice", siya ay naglalaro ng tetherball laban sa doble ni Lynn.

Hitsura

Si Zach ay isang maikling bata na may pulang buhok, salamin, ngiping kuneho, at mga pekas sa kanyang mga pisngi. Nagsusuot siya ng isang puti-at-asul strayps na polo shirt, asul na maong, at puting snikers.

Mga pagpakita

Season 1

Season 2

Season 3

Tribya

  • Ayon kay Lincoln sa "Overnight Success", nakatira siya sa gitna ng freeway at circus.
  • Ang Family Tree ay nagpakita ng kanyang apelyido ay Gurdle.
    • Inihayag din sa libro na nahuhumaling siya sa mga alien at conspiracy theories.
  • Siya ay tila magaling sa pisikal kaysa sa mga aktibidad sa kaisipan, dahil pinipili niya ang kickball kaysa chemistry sa "Lincoln Loud: Girl Guru", at itinuring siya ni Lincoln na "hindi matalino" sa "Making the Grade".
  • Si Zach, kasama sina Liam at Rusty, ay ang mga unang pangalawang karakter na makakuha ng isang episode na nakasentro sa kanila.
  • Siya ang pinakamaikling kaibigan ni Lincoln at isa sa pinakamaliit na bata sa kanyang klase.

Reperensya

T - U - B Mga Karakter